Nakapili na ang White House ng limang drug companies na gagawa ng maaaring lunas kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa impormasyong inilabas nito, pasok sa limang kumpanya ang mga sumusunod:
- Pfizer,
- Johnson & Johnson,
- Merk & Co Inc,
- Moderna Inc,
- at Astrazeneca Plc.
Ang limang kumpanya ay makatatanggap ng pondo mula sa US government, bilang tugon sa mga gagastusin nito sa paggawa ng gamot.
Oras din na makagawa ang mga drug companies, inaasahan itong ianunsiyo ng White House.
Bukod pa rito, pinag-aaralan din ng US na makagawa ng clinical trials na lalahukan ng higit 100,000 mga volunteers na naglalayong makahanap o makabuo ng bakuna kontra sa nakamamatay na virus.