Namigay ng hygiene kits at COVID-19 supplies ang United States government sa Gregoria De Jesus elementary school sa Caloocan City.
Ito ay para isulong ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mismong si US second gentleman Douglas Emhoff, husband ni US Vice President Kamala Harris ang nagpaabot ng COVID-19 supplies sa paaralan na tinanggap ni Caloocan City mayor Dale Gonzalo Malapitan.
Naglalaman ang kahon ng hygiene kit, N95 face masks, finger oximeter, forehead thermometer, at tablet para sa paaralan.
Kagabi nang dumating si Harris at Emhoff sa Pilipinas para sa tatlong-araw na pagbisita.