Muling nanawagan ang Amerika ng agaran at pangmatagalang pagtigil sa reclamation works ng China sa West Philippine Sea.
Sa isang security conference sa Singapore, binigyang diin ni US Defense Secretary Ashton Carter na nakababahalang nagawa lamang ng China ang mga istraktura sa loob lamang ng 18 buwan.
Giit ni Carter, inaangkin na ng mga Tsino ang 2,000 acres sa rehiyon na lubhang mas marami kumpara sa kine-claim ng ibang claimants.
Sinabi pa ni Carter na nagdudulot ng tensiyon ang mga aktibidad ng China sa naturang teritoryo.
By Jelbert Perdez