Nangako si US Defense Secretary Ashton Carter na paninindigan ng Estados Unidos ang “ironclad commitment” nito sa pilipnas.
Sa isang pulong sa Hawaii kung saan tinalakay ang sigalot sa West Philippine Sea, sinabi ni Carter kay Defense Secretary Voltaire Gazmin na hindi matitinag ang ugnayan ng dalawang bansa.
Naganap ang pulong nina Carter at Gazmin sa gitna ng pinaplano nitong pag-iikot sa Asya at pagtaas ng tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa rehiyon.
Giit pa ng Pentagon Chief, hindi kailanman matitibag ang paninindigan ng Amerika na depensahan ang Pilipinas.
By Jelbert Perdez