Nangangamba ang Amerika na mapunta lamang sa kamay ng mga organisasyong itinuturing nilang terorista ang makukuhang 55 bilyong dolyar na sanctions relief ng Iran.
Ang sanctions relief ay kasunod ng pagpapatupad ng nuclear deal kung saan tinatanggal na ang international economic sanctions sa Iran.
Dahil dito, nanindigan ang Amerika sa pamamagitan ni US Secretary of State John Kerry sa panibagong sanction na ipinatutupad nila laban sa Iran.
Una nang inihayag ng US Treasury na papatawan nila ng sanctions ang 5 Iranian nationals at network of companies na nakabase sa United Arab Emirates at China dahil sa koneksyon nila sa bagong ballistic missile program ng Iran.
Iginiit naman ng Iran na ang kanilang ballistic missile program ay para lamang sa kanilang depensa at hindi lumalabag sa kahit anong pandaigdigang panuntunan.
By Len Aguirre