Nanindigan ang Estados Unidos na hindi nila kikilalanin ang exclusion zone sa South China Sea ng Tsina.
Ayon kay US Deputy Secretary of Defense Robert Work, nababahala sila sa posibleng maging hakbang ng China sa oras na ilabas na ng International Court ang desisyon nito ukol sa reklamo ng Pilipinas kontra Beijing ukol sa pinag-aagawang mga teritoryo.
Sinabi ni Work na posible kasing magdeklara ng air defense identification zone ang China sa rehiyon gaya ng ginawa nito sa East China Sea noong 2013.
Sakali mang mangyari ito, iginiit ng Estados Unidos na magpapatuloy sila sa pagpapalipad ng eroplano at paglalayag dahil sa labag naman ang kagustuhan ng China sa International Law.
By Ralph Obina