Hinuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang US national na wanted umano sa kanilang bansa noon pang taong 2018.
Kinilala ang puganteng amerikano na si Paul Scott Finch, 51-anyos, na inaresto sa sitio paraway, brgy. Dulangan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Ayon kay B-I Fugitive Search Unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy, mismong ang US Government na ang tumawag sa kanila para ipaalam o magbigay ng impormasyon na may kaugnayan kay Finch.
Dito na ikinasa ang manhunt operation at agad na inilabas ang dalawang warrant of arrest na inisyu ng Walton County Superior Court sa Monroe, Georgia dahil sa possession of firearm ng suspek.
Sa ngayon mas pinaigting pa ng ahensya ang pagbabantay sa mga borders laban sa mga illegal aliens na pinipilit makapasok kahit pa nasa gitna na ng pandemiya ang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero