Lumapag sa karagatang sakop ng Pilipinas ang isang United States navy helicopter habang nagsasagawa ng routine operations, kahapon ng hapon.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng aberya ang MH-60S helicopter ng US navy kaya’t napilitan itong bumaba sa Philippines Sea.
Nasagip naman sa isinagawang search and rescue operations ang limang aircrew members na pawang nasa mabuting kalagayan.
Tatlo sa mga nailigtas ang dinala ng Japan air self-defense force UH-60 search and rescue helicopter sa naval hospital Okinawa para isailalim sa ebalwasyon habang inihatid naman ng US navy helicopter ang dalawa sa USS blue ridge MH-60S helicopter.
Nagtulong-tulong sa ikinasang search and rescue operation ang Japan air self-defense force, Japan maritime self-defense force, Japanese coast guard, USS America – LHA 6, USS blue ridge – LCC 19 at US air force.