Muling nagsagawa ng surveillance mission ang Pacific Fleet ng US Navy sa West Philippine Sea.
Kinumpirma ni Pacific Fleet Commander, Admiral Scott Swift na 7 oras na nagsagawa ng surveillance ang P-8A Poseidon plane sa ilang bahagi ng Spratly Islands, noong Sabado.
Bago ang misyon ay tiniyak ni Swift na nakahanda ang puwersa ng Amerika sa Pacific Region na rumesponde anuman ang maging sitwasyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Sa kabila nito, tikom ang militar partikular ang AFP western command sa naging pakay ng misyon ng US Forces.
By Drew Nacino