Plano naman ngayon ng US Navy na magpatrolya sa loob ng 12 nautical miles ng artipisyal na isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay US Deputy National Security Adviser Ben Rhodes, layon nitong regular na ma-exercise ang karapatan makapaglayag sa naturang international waters at mapaalalahanan ang China sa mali nilang pananaw na pag-aari nila ang naturang rehiyon.
Nanindigan ang Estados Unidos na kanilang isusulong ang karapatan ng lahat ng bansa na makapaglayag sa West Philippine Sea na naayon naman anila sa international law.
Una rito, naglayag na rin malapit sa mga artipisyal na isla ng China sa West Philippine Sea ang missile destroyer ng Estados Unidos.
By Ralph Obina