Plano ng US Navy na magsagawa muli ng pagpapatrol malapit sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea.
Ayon sa source ng news portal na Reuters, isasagawa ang tinatawag na freedom of navigation ng Amerika sa loob ng 12 nautical mile limit mula sa mga isla.
Pero kung kailan ito at kung anong klaseng barko ang magpapatrolya ay hindi pa matiyak ng source.
Noong mga nakaraang buwan, nagsagawa na rin ng pagpapatrol sa West Philippine Sea ang Estados Unidos.
Pagbibigay diin ng Amerika, karapatan ng ibang bansa na makapaglayag sa mga tinatawag na international waters.
Ayon sa US Navy, asahan pa ang mas maraming freedom of navigation ng kanilang mga barko malapit sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea sa mga susunod na buwan.
By Jonathan Andal