Hindi na maididipensa ni reigning US Open Champion Stan Wawrinka ang kanyang titulo.
Ito ay dahil sa sasailalim sa knee surgery ang World Number Four na nangangahulugang hindi na muna ito makakapaglaro sa mga nalalabing buwan ng taon.
Ayon kay Wawrinka, ito lamang ang nakikita niyang solusyon upang matiyak na makakapaglaro pa siya sa mas mataas na antas sa mas mahabang panahon.
Aminado si Wawrinka na dismayado siya sa nangyari ngunit sa ngayon ay pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang kanyang pagpapagaling.
Matatandaang bago ang anunsyong ito ay umatras na rin si Wawrinka sa nalalapit na simula ng ATP tournaments na gaganapin sa Montreal at Cincinnati.
By Ralph Obina