Sibak sa unang round ng US Open ang defending champion na si Angelique Kerber.
Ito ay makaraang idispatsa si Kerber ng Japanese tennis star na si Naomi Osaka sa iskor na 6-3 at 6-1.
Bagamat baguhan pa lamang ang 19-anyos na si Osaka ay hindi ito nagpadaig sa karanasan ng beterana nang si Kerber.
Ito na ang biggest upset sa karera ni Kerber.
By Ralph Obina