Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mas maagang sisimulan ngayong taon ang US-Philippines balikatan joint military exercises.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, uumpisahan sa Marso 25 ang balikatan exercises sa mga piling lugar sa bansa para hindi maapektuhan ang security preparations ng pamahalaan para sa halalan.
Ipinaliwanag ni Padilla na hindi na maaaring hugutin pa ang mga sundalo sa kani-kanilang mga binabantayang lugar ilang linggo bago ang botohan.
Inaaasahang libu-libong sundalo mula sa AFP at sa puwersa ng Amerika ang makikilahok sa war games.
Kabilang sa mga lugar na nakatakdang pagdausan ng balikatan exercises ay ang crow valley sa Tarlac; Ternate, Cavite; Zambales; Clark Air Base at Palawan.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal