Magsisimula na sa susunod na buwan ang joint military drill ng mga sundalo ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Agad namang nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang kinalaman sa tensyon ngayon sa West Philippine Sea ang isasagawang war games ng mga sundalo ng dalawang bansa.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, matagal nang ginagawa ng Amerika at Pilipinas ang Balikatan exercises bago pa man naging mainit ang agawan ng teritoryo sa naturang karagatan.
Isa sa mga nakasanayan nang pagdausan ng joint military drill ang Palawan na siyang pinakamalapit sa West Philippine Sea.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal