Nilinaw ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya puputulin ang diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Bagkus nais ng Pangulo na magkaroon ang pilipinas ng hiwalay o independent na foreign policy.
Iginiit ng Pangulo na hindi niya maaaring putulin ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Amerika sa kadahilanang hindi aniya ito makakabuti sa interes ng bansa at sa kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Estados Unidos.
Matatandaang marami ang nangamba nang ihayag ng Pangulo sa harap ng Pangulo sa harap ng mga negosyanteng Chinese ang mistulang pagkalas ng Pilipinas sa Amerika.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina