Hindi magbabago ang bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos, sinuman kina reelectionist U.S. President Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang manalo sa ginaganap ngayong halalang pampanguluhan.
Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na sinuman ang magwaging presidente ng Estados Unidos matapos ang resulta ng halalan ay mananatiling matatag ang relasyon ng US at ng Pilipinas.
Pero ani Roque, kung sakali mang si Biden ang lumusot sa U.S. Presidential Elections ay nakahanda aniya si Pangulong Duterte na makabuo ng pagkakaibigan dito.
Subalit sa ngayon, mas maiging hintayin muna ang resulta ng halalan sa Amerika na inaabangan ng buong mundo.
Mensahe na lang ng Palasyo kina Trump at Baiden —’may the best man win’. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)