Maghihintay pa ang pamunuan ng Department of National Defense ng kautusan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte
Ito ay matapos ang naging pahayag ng President na ngayong taon na lang ang huling war games sa pagitan ng Armed Forces of the Phil at tropa ng Amerikanong sundalo
Ayon kay Defense Sec Delfin Lorenzana makikipag usap siya kay Pangulong Duterte para malinawan ang mga nais nitong mangyari kaugnay sa kanyang naging pahayag
Sa ngayon aniya nanatili ang mga nilagdaang kasunduan noon sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas hanggat walang malinaw na direktiba ang Pangulo sa nasaing usapin.
Maguusap din anya ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas kung anong mangyayari sa mga susunod pa sanang war games
By: Avee Devierte / Jonathan Andal