Nananatili ang Estados Unidos sa pinaka-pinagkakatiwalaang bansa ng mga Filipino.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong unang bahagi ng 2019.
Sa nasabing survey, nakakuha ng positive 60 na net trust rating ang US o very good.
Katumbas ito ng pitumpung (70) porsyento ng mga Filipinong may mataas na tiwala sa Amerika at sampung porsyento na may maliit na tiwala.
Samantala, nakakuha naman ng neutral negative 6 net trust rating ang China mula sa mga Filipino o katumbas ng tatlumpu’t dalawang (32) porsyento ng nga Filipinong may mataas na pagtitiwala at tatlumpu’t siyam (39) na porsyento na may kakaunting tiwala.
Bahagyang mataas ito mula sa negative 7 na net trust rating ng China noong nakaraang Disyembre.
Ang nasabing survey ay isinagawa sa may isang libo apatnaraan at apatnapung (1,440) adult respondents mula Marso 28 hanggang 31.
—-