Kinumbinse ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong ang Estados Unidos na idaan sa maayos na pag-uusap para mapigil ang nuclear program ng North Korea.
Sa pakikipagpulong ni Lee kay US President Donald Trump, ipinarating nito na mahalaga ang ginagawang paggipit o pag-pressure sa North Korea ngunit aniya mahalaga rin na magkaroon ng maayos na diyalogo dito.
Kailangan din aniya na magtulong-tulong ang China, South Korea, Japan at Russia para maresolba ang usapin.
Pinaalalahanan din nito ang US na alagaan ang relasyon sa China dahil sa ito ay isa sa pinakamahalagang relasyon ng dalawang bansa sa buong mundo.
—-