Pinapurihan ni US Defense Secretary James Mattis ang naging tagumpay ng Pilipinas sa paglaban nito laban sa Maute ISIS.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng gobyerno na tapos na ang giyera sa Marawi City kahapon.
Sinabi ni Mattis, binabati niya ang Philippine military sa naging laban nito sa mga terorista.
Tinukoy pa ni Mattis na ang tagumpay ng militar sa bansa ay nagbigay ng matapang na mensahe laban sa iba mga terorista.
Nakatakdang dumalo si Mattis sa dalawang araw na 11th ASEAN Defense Minister’s Meeting na gaganapin sa Subic Bay Freeport Zone.
Inaasahan naman na dadalo rin sa ASEAN event si US President Donald Trump sa susunod na buwan.
—-