Tinapos na ng Amerika ang Normal Trade Relations nito sa Russia matapos lusubin ng Moscow ang Ukraine.
Kasunod na rin ito nang pagboto ng US Congress para sa nasabing hakbangin na nakakasakop din maging sa ka alyado ng Russia na Belarus.
Ang naturang hakbangin ay nagbibigay ng kapangyarihan kay US President Joe Biden na magkasa ng mas malaking taripa sa imports mula sa Russia at Belarus.
Una nang inanusyo ni Biden na pagbabayaran ng Russia ang pananakop sa Ukraine at tinawag nitong worst moments sa kasaysayan ng tao ang ginawa ni President Vladimir Putin.