Inaprubahan ng Estados Unidos ang posibleng pagbebenta ng mga tow anti-tank missiles sa Saudi Arabia na nagkakahalaga ng 670 million dollars.
Ayon sa US State Department, layunin ng kanilang panukala ang magbigay suporta sa kanilang foreign at national security policy.
Patitibayin din anila nito ang pagkakaibigan ng Saudi Arabia at Estados Unidos para na rin sa katatagan sa usaping politikal at ekonomiya sa Middle East.
Ang nasabing anunsiyo ay kasunod na rin ng pagbisita ni Saudi Arabian Crown Prince Mohammed Bin Salman kay US President Donald Trump sa White House.
—-