Siniguro ng US postal service na walang magiging aberya sa nakatakdang mail-in election sa Nobyembre.
Sa pagdinig ng Senado ng Estados Unidos, sinabi ni Postmaster General Louis Dejoy na plantsado na ang mga kagamitan para sa naturang eleksyon.
Dagdag pa ni Dejoy, magiging prayoridad nito ang mga postal votes.
Paglilinaw pa nito, hindi ginawa ang bagong polisiya para maimpluwensyahan ang paparating botohan.
Nauna rito, inalmahan ng mga Democrats ang bagong polisya dahil sa agam-agam na madudulot ito ng ilang problema.