Muling hinimok ni U.S. President Barack Obama ang mga claimant ng Spratly Islands na ihinto muna ang pagtatayo ng mga artipisyal na isla at militarisyon sa South China Sea.
Ito ang inihayag ni Obama sa kanyang pagdalo sa Association of South East Asian Nations o ASEAN summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay Obama, dapat munang isantabi ang pagpapatayo ng mga artificial islands para sa regional stability sa Asya, pairalin ang freedom of navigation at i-respeto ang hakbang ng U.N. artbitral court upang maresolba ang issue.
Samantala, nagkasundo ang mga ASEAN member na dapat ayusin sa mapayapang paraan ang territorial dispute alinsunod sa declaration on the conduct of parties in South China Sea.
Magugunitang tumanggi ang China na pag-usapan sa asean summit sa malaysia ang territorial dispute maging sa Asia pcific Economic Cooperation summit na idinaos naman sa Pilipinas.
By: Drew Nacino