Bubuwagin umano ni US President-Elect Donald Trump ang kanyang Donald J. Trump Foundation.
Ayon kay Trump, ayaw niyang magkaroon ng conflict sa papel niya bilang Pangulo ng Estados Unidos at may-ari ng foundation na kasalukuyang iniimbestigahan ng Attorney General sa New York.
Una nang napaulat ang mga umano’y anomalya ng Trump Foundation kagaya ng paggamit ng pondo para bilhin ang painting ng US President Elect.
Ginagamit din daw ni Trump ang pondo ng foundation para aregluhin ang kanyang mga negosyo.
By: Avee Devierte