Nagkamali ng spelling ng “Philippines” si United States President Donald Trump
Sa kaniyang tweet kung saan inanunsyo nito ang kaniyang schedule trip para sa 31st Southeast Asian Nations Leaders’ Summit ay binanggit niya ang Pilipinas bilang kaniyang huling destinasyon
Double “l” sa halip na double “P” ang spelling ng Philippines ni President Trump
Nagkomento naman ang ilang netizen at itinama ang spelling ng Philippines
Maging si dating Congressman Teddy Casiño ay hindi napigilang magkomento kung saan binanggit ang maling spelling din ng Philippines sa mga tarp kung saan wini-welcome ang mga delagado ng ASEAN Summit.