Ikinagalak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat na nais umanong kopyahin ni U.S. President Donald Trump ang istilo ng kampanya kontra iligal na Droga sa Pilipinas.
Ipinagmalaki ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa Davao City na hindi nagkamali si Trump sa plano nitong gayahin ang War on Drugs na isang kahanga-hangang hakbang.
Una ng idineklara ni Trump na isa ng National Public Health Emergency noong Oktubre ang Opioid Crisis at hindi na uubra ang awa sa mga drug offender sa U.S. sa halip ay dapat ng parusahan ng kamatayan ang mga ito.
Ngayon sila ang may national emergency, Trump declared, yesterday or the other day tingan mo ang front page ng Bulletin or yung Philippine Star, Trump would like to follow Duterte because they have no problem in the Philippines, he just kill them. Tama ka talaga Trump, bilib ako sa iyo, nagsasabi ka ng totoo”.
Kung noon anya ay binabatikos ng ilang mambabatas sa Amerika paglabag umano sa human rights ng Philippine National Police dahil sa Oplan Tokhang, ngayon ay tila nabaligtad ang istorya.
Listen to me you human rights, bawal yang Tokhang sa ano, anong ginawa ng Amerika, sumali doon, pati yung human rights nila, mga senador, ngayon sino ang naga tokhang? Sila. They were able to capture a website, tapos lahat ang ng transaction sa droga. Inagaw nila, dinetain nila ang komunikado, yung mga drug people and they operated it, so nalaman nila lahat, lahat tinotokhang, see? Kung sila Ok.”
RPE