Nababahala na si US President Barack Obama sa tumitinding karahasan sa pagitan ng Israel at Palestine sa Jerusalem.
Dahil dito, nanawagan si Obama sa mga lider ng Israel at Palestine na itigil ang mga rhetoric na nagpapalala sa tensyon.
Idinagdag pa ni Obama may karapatan ang Israel na panatilihin ang basic law and order para protektahan ang mamamayan nito laban sa karahasan.
Sa pinakahuling datos, 7 Israelis at 37 Palestinians ang patay sa karahasan.
Sumiklab ang panibagong riot matapos ang pagsunog ng mga Palestinians sa Jewish holy site na Joseph’s tomb sa West Bank.
By: Meann Tanbio