Personal na tinawagan ni US President Barack Obama si presumptive president Rodrigo Duterte.
Ito ay para batiin si Duterte sa pagkapanalo nito bilang bagong pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Obama, umaasa siyang ipagpapatuloy ni Duterte ang paglaban sa korupsyon sa bansa.
Kasabay nito ay tiniyak din ni Obama na handa silang makipagtulungan sa Pilipinas upang mas paigtingin pa ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.
Una rito, nagpaabot na din ng pagbati kay Duterte ang China at mga bansang kasapi ng European Union.
By Ralph Obina