Dumating na sa bansa si US President Barack Obama.
Dakong alas-11:30 nang lumapag ang Air Force One na kinalululalan ni Obama sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinalubong si Obama nina Philippine Ambassador to US Jose Cuisia, US Ambassador to the Philippines Philip Golberg at Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Matapos magpalitan ng pagbati ay dumiretso na si Obama at Goldberg pasakay sa helicopter.
Ngayong hapon, inaasahan din ang pagdating ng iba pang APEC leaders para sa pagsisimula ng APEC Summit.
Kabilang sa mga nakatakda nang dumating sina President Enrique Penia Nieto ng Mexico, Malaysian Prime Minister Najib Razak, ang Pangulo ng Korea, Park Geun Hye at Australian Prime Minister Malcolm Tumbull.
Inaantabayanan na rin ang pagdating nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kakapanalo lang sa eleksyon, New Zealand Prime Minister John Key, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Thailand Prime Minister Prayuth Chan-Ocha at Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam.
By Len Aguirre