Nagkita na sa kauna-unahang pagkakataon sina Pope Francis at US President Donald Trump.
Binisita ni Trump ang Santo Papa sa Vatican bilang bahagi ng kaniyang foreign trip mula nang maupo bilang pangulo ng Amerika.
Nagpakuha muna ng litrato ang dalawa bago ang kanilang naging pagpupulong na tumagal ng tatlumpung (30) minuto.
Pagkatapos nito, nagpalitan ng regalo ang dalawang world leader kung saan, binigyan ni Trump ang Santo Papa ng mga libro ni Martin Luther King habang tatlong (3) teaching documents at isang medalya naman ang handog ng Papa kay Trump.
By Jaymark Dagala
*Getty Images