Dinalaw ni US President Donald Trump ang mga biktima ng nangyaring mass shooting sa isang high school sa Florida.
Sa pagbisita ni Trump sa Broward Health North Hospital, niyakap nito at dinamayan ang mga magulang na puno pa rin ng paghihinagpis sa nangyaring trahedya.
Dito ay nagpasalamat din ang pangulo sa mga doktor, nurse at mga hospital staff sa pagsisikap na maisalba ang mga biktima.
Matatandaang inatake ng labing siyam (19) na taong gulang na lalaki ang isang paaralan kung saan nasawi ang labing pitong (17) mga estudyante.