Inaasahan na ng pamahalaan ang pagdalo ni US President Donald Trump sa gagawing ASEAN o Association of Southeast Asian Nation’s Summit na gagawin dito sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay Ambassador Marciano Paynor, chairman ng ASEAN National Organizing Committee, nagpahayag na ng interes si Trump na magtungo rito sa Pilipinas nang mag-usap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong Nobyembre.
Maliban kay Trump, kinumpirma rin ni Paynor ang pagdalo ng siyam na pinuno ng ASEAN member countries.
Mauuna rito si Sultan Hassanal Bolkia ng Brunei para sa bilateral visit nito sa abril a-beinte siete at susundan naman ito ni Indonesian President Joko Widodo kinabukasan, abril a-beinte otso.
Gagawin ang actual summit ng mga heads of state sa PICC o Philippine International Convention Center sa abril a-beinte nueve at susundan ng gala dinner na pangungunahan ni Pangulong Duterte.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping