Ginulat ni US President Donald Trump ang mga miyembro ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) nang dumalo ito sa kanilang pulong sa taong ito.
Ginawa ni Trump ang pagdalo via video conference sa kabila na rin ng pinaniniwalaang pagkatalo umano nito sa nakalipas na halalan bagama’t nagpapatuloy pa ang bilangan.
Magugunitang hindi dumadalo si Trump sa APEC Summit mula pa noong 2017 dahil na rin sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Amerika at China na may kaugnayan sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Bagay na sinamantala ni Chinese President Xi Jinping kung saan, ginamit nito ang pulong para kontrahin ang anito’y protectionism ng Amerika.