Naniniwala si US President Donald Trump na gusto nang makipagkasundo ng North Korea.
Ito’y kasunod ng imbitasyon sa kanya ni Kim Jong Un na makipag-pulong.
Tinanggap ni Trump ang imbitasyon na sa ngayon ay hindi pa tukoy kung kailan at saan idaraos.
Ayon kay Trump, dalawa lang ang maaaring kalabasan ng pulong – ang mabigo o ang makabuo ng tinawag niyang “Greatest Deal of the World”.
Bukod kay Trump, inimbitahan na rin noon ng North Korea ang iba pang pangulo ng Amerika gaya nina George W Bush, Bill Clinton at Barack Obama.
Pero si Trump lamang ang tangi at kauna-unahang pangulo na tumanggap sa nasabing imbitasyon.