Nilait ng Islamist terrorist group na ISIS si United States President Donald Trump.
Sa isang video message, tinawag ng tagapagsalita ng ISIS, na si Abu Hasan Al-Muhajir na isang “foolish idiot” si Trump.
Aniya, malinaw na bangkarote na ang Amerika dahil pinamumunuan ito nang isang magmang na patuloy na nagpapahayag ng poot at pakikidigma sa Iraq o sa Islam.
Magugunitang, hindi ito ang unang beses na ininsulto ng terrorist group si Trump simula nang maupo ito noong Enero.
By Krista de Dios