Kilos-protesta mula sa mga grupo ng kabataan umano ang sasalubong kay US President Donald Trump sa pagbisita nito Pilipinas sa Nobyembre.
Ito ay ayon sa ipinalabas na pahayag ng grupong Anakbayan.
Anila, hindi welcome ang naturang lider ng ‘US imperialist power’.
Ang Amerika umano ang nasa likod ng Mamasapano incident at nagbibigay ng suporta sa ‘mass murder operations’ sa ilalim ng ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.
Dagdag pa ng grupo, ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpakita ng pagiging ‘puppet’ nito sa Amerika dahil sa pagturing umano nito sa bansa bilang ‘friend’ at ‘security ally’.
Sa huli, sinabi ng grupo na magkakaroon ng massive protests sa araw ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations para ipanawagan ang pagtapos sa imperyalismo at military intervention ng Amerika sa bansa.
Matatandaang kinumpirma ng White House ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas sa Nobyembre bilang bahagi ng kanyang 12-day trip sa limang (5) bansa sa Asya.