Tinawag na “destroyer “ ng North Korea si US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa Asya.
Sa isang pahayag, sinabi ng Foreign Ministry Spokesperson ng NoKor, ipinakita ni Trump ang kanyang tunay na anyo bilang “destroyer of world peace and stability” at halos magmakaawa umano ito na magkaroon ng nuclear war laban sa “Korean Peninsula”.
Nanindigan naman ang NoKor na ipagpapatuloy nila ang kanilang nuclear weapons program.
—-