Hinikayat ni US President -elect Joe Biden ang mga mamamayan ng Amerika na palagiang magsuot ng facemask upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 ( COVID-19).
Paglilinaw naman ni Biden , ang mandatong ito ay hindi isang political statement ngunit mabuting daan tungo sa pagkakaisa.
Dagdag pa ng bagong halal na Presidente ng Amerika na kahit umano magkaroon ng bakuna, ang isa sa mabisang paraan para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 ay ang pagsusuot ng face mask.—sa panulat ni Agustina Nolasco