Humarap na sa mga mamamayan ng Amerika si US President Elect Joe Biden matapos masungkit ang landslide victory nito laban kay incumbent President Donald Trump.
Sa kaniyang acceptance speech sa Wilmington, Delaware, sinabi ni Biden na kaniyang pagsusumikapang pagbuklurin muli ang kanilang bansa sa kabila ng pagtanggi ni Trump na tanggapin ang kaniyang pagkatalo.
Tiniyak din ni Biden na kaniyang pagsisilbihan ang lahat ng mga Amerikano, bumoto man sa kaniya o hindi at kaniyang ibibigay ang buo niyang panahon sa paglilingkod sa kanilang bansa.
Dahil sa matinding suportang kaniyang natanggap sa nakalipas na halalan, tiniyak ni Biden na hindi niya sasayangin ang boto ng bawat isang naniwala sa kaniyang kakayahang maglingkod.
Una rito, nakakuha si Biden ng 280 electoral votes makaraang pumasok ang mga boto mula sa Pennsylvania na sobra-sobra pa sa kinakailangang 270 electoral votes kontra kay Trump na nakakuha lamang ng 214 electoral votes.