Nagsagawa ng magkahiwalay na political rally sina US President Joe Biden at dating US President Donald Trump kasabay ng araw ng eleksiyon kahapon.
Si Biden ay nagtungo sa Maryland para suportahan ang kandidatura ng democratic nominee na si Wes Moore na nangunguna ngayon sa botohan laban sa republican na si Dan Cox.
Nagpunta naman sa Ohio si Trump para suportahan at palakasin ang boto ng Republican na si J.D. Vance, na tumatakbo bilang US Senator.
Layunin nina Biden at Trump na mapalakas ang boto at mahikayat ang mga botante na iboto ang kanilang sinusuportahang kandidato.