Muling nagpositibo sa COVID-19 si US President Joe Biden nitong Sabado
Batay sa sulat ng kanyang physician na si Dr. Kevin O’Connor posibleng ‘rebound’ ito ng naturang virus.
Habang sa ngayon ay wala namang sintomas na nararanasan ang presidente at isinailalim na sa mahigpit na isolation.
Kanselado na rin ang mga byahe nito patungo sa kanyang bahay sa Wilmington at work trip sa Michigan.