Dumating na sa cuba si US President Barack Obama para sa makasaysayang pagbisita nito doon.
Kasama ni Obama na bumaba sa Air Force One si First Lady Michelle Obama at mga anak nitong si Sasha at Malia.
Masayang sinalubong si Obama ni Cuban Minister Bruno Rodriguez.
Nakatakdang makipagpulong si Obama kay Cuban President Raul Castro at maging sa iba pang Communist Leader sa Cuba.
Si Obama ang kauna-unahang pangulo ng Estados Unidos na bumisita sa Cuba simula noong 1959 Revolution.
By Ralph Obina
Photo Credit: Stephen Crowley/The New York Times