Tumulak na patungong Malaysia si US President Barack Obama matapos ang makasaysayan nitong pagdalo sa APEC Summit sa Maynila.
Si Obama ay hinatid patungo sa Air Force One ni Defense Secretary Voltaire Gazmin bago kinawayan ang mga opisyal.
Pasado alas-12 ng tanghali nang umalis ang sinasakyang eroplano ng US President kung saan nakatakda naman itong dumalo sa ASEAN-US Summit sa Kuala Lumpur.
Matatandaan na nagpahayag si Obama para sa lalo pang pagpapaigting sa ugnayang militar ng Pilipinas at Estados Unidos na makatutulong sa pagdepensa sa mga teritoryo ng bansa.
Dinalaw din ni Obama ang BRP Gregorio del Pilar na flag-carrier ng Pilipinas sa maritime warfare habang nangako itong magbibigay pa ng mga dagdag na barkong pandigma.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)
Photo Credit: US Embassy Manila