Nakatakdang bumisita sa Saudi Arabia si US President Barack Obama.
Ito ay sa harap ng iringan sa pagitan ng US at Gulf countries.
Ayon kay US Defense Secretary Ashton Carter, makikipagpulong si Obama kay King Salman ng Saudi maging sa mga pinuno ng mga bansang kasapi ng Gulf Cooperation Council.
Dito, sinabi ni Carter na hihilingin ni Obama ang tulong sa military at naval operations para ma-counter ang mga pag-atake ng Iran sa rehiyon.
By Ralph Obina