Dismayado si US President Donald Trump sa pagkakakulong ng kanyang dating campaign manager na si Paul Manafort.
Ito’y makaraang hatulan sya ng halos apat na taong pagkakakulong at multang $24 million ng federal court sa Alexandria, Virginia dahil sa umano’y pagtatago nito ng us tax authorities na may halagang $55 million noong siya pa ay nasa panig ng Russia.
Ayon kay Trump, gawa-gawa lamang ang mga alegasyong ibinabato kay Manafort gaya ng sabwatan umano nito sa Russia noong nakaraang halalan.
Samantala, ipinahayag ito ni Trump bago sya magtungo sa Alabama para naman bisitahin ang mga nasalanta roon ng buhawi.