Posibleng makabuo na ng kasunduan ang United States at China para matigil na ang kanilang trade war.
Ito ang inihayag mismo ni US President Donald Trump matapos niya ring i-anunsiyo na nakahanda siyang palawigin pa ang deadline sa pagkikipag-usap sa China hanggang March 1.
Ayon kay Trump, maganda ang nagiging kinalabasan ng pag-uusap ng mga kinatawan ng US at China at malaki na rin aniya ang tsansang makabuo na sila ng isang kasunduan.
Kabilang sa matinding pinag-talunan ng Amerika at China sa kanilang negosasyon ay ang ilang malalaking usapin tulad ng cyber theft, intellectual property rights, agrikultura at taripa sa kalakalan.