US President Trump, magdedeklara ng national emergency
Magdedeklara ng national emergency at magpapadala ng mga armadong tropa sa Southern border si US President Donald Trump.
Isa ito sa mga highlight at prayoridad sa talumpati ni US President Trump.
Nilagdaan na rin US President Trump ang halos 100 executive orders, kabilang ang 10 nakatuon sa border security at immigration, na kaniyang pangunahing prayoridad.
Sisikapin din ni Trump na wakasan ang tinatawag na birthright citizenship para sa mga batang ipinanganak sa us, na ang mga magulang ay walang legal status, isang hakbang na pinaniniwalaang labag sa konstitusyon ng bansa.
Si Trump ay nakapanumpa na bilang ika-47 na pangulo ng Estados Unidos.
Bukod dito, inanunsyo ng Pangulo na dalawang kasarian lang ang kikilalanin ng kanyang administrasyon sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng LGBTQ+ community para sa kanilang mga karapatan.