Naging mabunga umano ang 12 araw na pag-iikot ni US President Donald Trump sa mga bansa sa Asya kasabay ng katatapos na ika-31 ASEAN Summit na ginawa rito sa Pilipinas.
Unang ipinunto ni Trump na napatunayan niyang walang nagmamay-ari ng karagatan nang makilala niya ang iba’t ibang pinuno ng mga bansang umaangkin sa mga isla at iba pang teritoryo sa South China Sea.
Gayunman, iginiit ni Trump na isang maselang usapin pa rin aniya ang Freedom of Navigation sa bahaging iyon ng karagatan gayundin ang anito’y overflight sa seguridad at kasaganahan ng mga bansa.
Muli ring nagpasalamat si Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pagsuporta nito para sa tuluyang paglaya ng Marawi City mula sa ISIS inspired Maute terror group sa Mindanao.